Tinalo ng PH ang Estonia sa online chess

Tinalo ng PH ang Estonia sa online chess

Tinalo ng PH ang Estonia sa online chess

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

ni Marlon Bernardino
Manila --- Nakaungos si Arena International Master Chester Caminong kontra kay Candidate Master Nikita Rychagov, 4-3, sapat para iangat ang Pilipinas sa gulat na 2-1 tagumpay laban sa pinaboran na Estonia na ginanap sa pamamagitan ng online Lichess Platform noong Biyernes, Marso 15.


“I am so very happy,” ani Caminong, chess coach ng San Beda Alabang at bahagi din ng coaching staff ng star-studded Dasmariñas Chess Academy ni national coach FM Roel Abelgas.
Tinalo naman ni Candidate Master Genghis Imperial si Egert Pedak, 1-0, para makuha ang panalo para sa Filipino woodpushers.


Tinalo ni International Master at Woman Grandmaster Mai Narva si Woman Grandmaster Janelle Mae Frayna, 5-4, para pigilan ang posibleng shootout loss para sa Estonia.
Ang online rapid (15 minutes at 5 seconds increment) na mga chess match-up na punong abala si Europe based Kim "The Gambling Mathematician '' Yutangco Zafra ay nag-aalok ng kabuuang pot prize na 700 Euros.
Ito ay ipinalabas ng live sa pamamagitan ng live streaming Chess Lovers PH na may na blow by blow account ni World renowned chess blogger Richard "The Dragon" Manzano at sportswriter at radio commentator na National Master/ US master Almario Marlon Quiroz Bernardino Jr. sa pakikipagtulungan sa Bayanihan Chess Club .-Marlon Bernardino-