Handa ang Cagayan na mag-host ng PCAP Champions League

Handa ang Cagayan na mag-host ng PCAP Champions League

Handa ang Cagayan na mag-host ng PCAP Champions League

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

ni Marlon Bernardino
Manila---Sino ang handa para sa Battle of Wits at Mind-boggling chess games!
Kinumpirma ng mga opisyal ng Cagayan Kings Team ang kanilang kahandaan na maging host sa nalalapit na 9th Leg ng Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) Champions League.


Ayon kay Cagayan Kings Team spokesman Laurence "Larry" Dumadag, gaganapin ang chess events sa Cagayan sa SM City sa Tuguegarao City, Cagayan sa Mayo 19, 2024.
"Dumating na ang pinakahihintay na sandali. Malugod na ibinalita ng Cagayan Kings Team na tayo ang magho-host ng 9th Leg ng Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) Champions League. Ang prestihiyosong event na ito ay magaganap sa SM City sa Tuguegarao City, Cagayan noong Mayo 19, 2024," ani Dumadag.


“Kasunod ng tagumpay ng katatapos na 8th Leg ng PCAP Champions League sa Naga City, Camarines Sur nitong Abril 2024, determinado ang Cagayan Kings team na ipagpatuloy ang pagsusulong ng larong chess, PCAP, at pagtuklas ng mga lokal na talento,” dagdag niya.


"Ang kampeon ng leg na ito ay magkakaroon ng pagkakataon na lumahok sa paghahanap ng mga homegrown na manlalaro at makipagkumpetensya sa inaabangang Battle of Champions sa Maynila," huling salita ni Dumadag.-Marlon Bernardino-