Nakatakda ang 1st CNES Chess tourney para sa Mayo 11

Nakatakda ang 1st CNES Chess tourney para sa Mayo 11

Nakatakda ang 1st CNES Chess tourney para sa Mayo 11

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

ni Marlon Bernardino
Manila, Philippines — Muling susubok sa husay ng bawat isa ang cream of the crop sa Nueva Ecija chess sa 1st CNES Chess Tournament na nakatakda sa Mayo 11 sa Waltermart, Cabanatuan City, Nueva Ecija.
May kabuuang P20,000 na cash prize ang ibibigay sa mga magwawagi sa 7-round Swiss competition na pinangunahan ng Cabanatuan North Elementary School.


Ang kampeon ay mag-uuwi ng P5,000, habang ang second hanggang sixth placers ay magbubulsa ng P3,000, P1,500, P1,000, P700 at P500 ayon sa pagkakasunod.


Ang kiddies winner ay kikita ng P2,000, habang ang second hanggang fifth placers ay tatanggap ng P1,000, P700, P500 at P400 habang ang pang-anim hanggang ika-10 ay tatanggap ng tig-P200, ang 11th hanggang 15th ay P100 bawat isa, habang ang mga makakapasok sa ang top 2 finishers para sa Top Senior, Top Female, Top College at Top Highschool ay kikita ng P300, at P200, ayon sa pagkakasunod-sunod.


"We do this to promote chess in the grass roots level and to discover future chess talents and champions." sambit ni Nueva Ecija top chess player Benjamin Bauto.
Mag call o text sa mobile number: 09171009491.-Marlon Bernardino-