Pagmaniobra ng Chooks-to-Go sa operasyon ng MPBL basketball

Latest News

Latest Reviews

Basketball

  • Raptors smack wounded Warriors 123-109 despite Curry’s 47

    The shorthanded Golden State Warriors were pushed around by a focused Toronto Raptors squad in...

  • Boxing

  • Bakbakan sa Ilocos Sur 2022: Knockout win target ni Toyogon kontra Tejones!

    Isasagad na nina boxing prodigy Al Toyogon at kalabang Joe Tejones sa main event ang kani-kanilang natipong...

  • Golf

  • Glutamax Men strengthens hold on lead

    BAGUIO CITY—Aian Arcilla once again led with his 25 points as Team Glutamax Men soared to an 87...

  • Popular News

    Dela Cruz ginto sa men’s 10,000-meter walk

    by Marlon BernardinoBinuksan ni Vincent Vianmar Dela Cruz ng University of the East ang Day 2 ng...

    Ormoc City Regional Sports Academy student bags gold in Evraa 8 Balls Category

    by Marlon BernardinoOrmoc City---Athena Divine Ig-agao, a Grade 11 student of Ormoc City Regional...

    IIEE-IECEP magtutuos sa Hunyo 12

    ni Marlon BernardinoAngeles City, Pampanga---Sa Hunyo 12, 2024 sa pagdiriwang ng ika-126 na araw...

    Pagmaniobra ng Chooks-to-Go sa operasyon ng MPBL basketball

    Bibigyan ng mas malinaw na hinaharap ang pumpaimbulog na noon bago ang mapaminsalang pandemya- ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).

    Ito'y makaraang ihayag ng Chooks-to-Go ang kanilang masidhing hawakan ang basketball operation ng liga.

    Sa ipinalabas na pahayag nga nung Lunes, batay sa Chooks-to-Go dumating sila sa isang kasunduan sa pagitan ng pangulo nitong si Ronald Mascariñas at MPBL founder Manny Pacquiao para sa rotisserie firm na gawing higit na maging prominente na ang responsibilidad sa pagmando ng naturang torneo.

    Makatuturan ang pinakahuling development sa pagkipag-alyansa sa pagitan ng dalawang grupo, na nagsimula noong December 2019 nang pumirma ang Chooks-to-Go ng five-year deal bilang title sponsor ng MPBL.

    Sa pagkakasundo, ang Chooks-to-Go ay higit na may aktibong tungkulin, kung saan ayon kay Mr. Pacquiao kinikunsidera niya ang organizational skills at positibong kaisipan bilang mohon ng matagumpay na torneong kanilang ipinundar sa nakalipas na mga taon, partikular na ang eksena sa 3×3 basketball.

    Sa kaagahan, ang panghinaharap ng MPBL, na nagsimula taong 2017, ay nalagay sa balag ng alanganin, makaraang nagpahayag si Senador Pacquiao ng kanyang intensiyong tumakbo sa pagkapangulo para sa Pambansang Halalan ng susunod na taon 2022.

    Para sa panig ni Mr. Mascariñas, handa silang tanggapin ang hamong kinapalooban ng pagpapatakbo ng MPBL, at tinuldukan ang kanilang seryosong intensiyon na makatrabaho kasama ang league commissioner na si Kenneth Duremdes.

    Kasalukuyan ang MPBL ay nasa kaagahan ng pagdaraos ng mga invitational tournament para sa kanilang member teams sa pagtatapos ng taon habang ang Chooks-to-Go ay pinaplano naman ang pagsaayos ng mga detalye ng kanilang 3×3 basketball program sa MPBL.
    Good Luck MPBL!