GAB nagsumite na ng sports practice protocols sa IATF

Latest News

Latest Reviews

Basketball

  • Raptors smack wounded Warriors 123-109 despite Curry’s 47

    The shorthanded Golden State Warriors were pushed around by a focused Toronto Raptors squad in...

  • Boxing

  • Bakbakan sa Ilocos Sur 2022: Knockout win target ni Toyogon kontra Tejones!

    Isasagad na nina boxing prodigy Al Toyogon at kalabang Joe Tejones sa main event ang kani-kanilang natipong...

  • Golf

  • Glutamax Men strengthens hold on lead

    BAGUIO CITY—Aian Arcilla once again led with his 25 points as Team Glutamax Men soared to an 87...

  • Popular News

    Gulf Coast Triumph: Jared Anderson Dominates Ryad Merhy

    Jared "The Real Big Baby" Anderson did not have a particularly eager opponent in Ryad Merhy, but...

    NM Ferriol 2nd sa Penang Open Chess

    by Marlon BernardinoGeorgetown, Penang, Malaysia---Nagwakas nang malakas si National Master Gerald...

    The Lakers secure a playoff berth with 110-106 win over the Pelicans

    LeBron James had 23 points, nine assists and nine rebounds, and the Los Angeles Lakers secured a...

    GAB nagsumite na ng sports practice protocols sa IATF

    MANILA – Nagsumite na ang Games and Amusements Board (GAB) na tinatawag na "new normal" protocols sa nga mga pag-eensayo para sa tatlong sports sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

    Kinumpirma ni GAB Chairman Baham Mitra ang pagbabago sa Philippine News Agency (PNA) noong Miyerkoles ng gabi.

    "We finished presenting to them by around 3:30 [p.m.]," ani Mitra.

    Ang tatlong sports na inihayag ang kanilang protocols ay ang basketball, football, at boxing.

    Ang Philippine Basketball Association (PBA), Philippines Football League (PFL), at Chooks-To-Go Pilipinas 3x3 ay isinulat na ang kani-kanilang respektibong protocols nung nakaraang buwan sa pag -asang ang kanilang member clubs ay makakabalik na sa praktis sa lalong madaling panahon, unang hakbang sa kanilang masimulan o maipagpatuloy na ang kanilang season sa panahon ng pandemya.

    Patungkol sa boxing, inilantad ni Mitra na maging ang GAB ay gumawa ng protocols na may ilang karagdagang panuntunan mula sa Omega at Elorde Boxing Gyms.

    Gayunman, aniya ang Department of Health (DOH) ay nanatiling humahadlang sa GAB para sa muling pagbubukas ng ensayo sa boxing.

    "Ayaw pa rin talaga ng DOH eh. Walang go signal," ani Mitra, bagamat aniya na patuloy silang nakikipag-ugnayan sa IATF para sa pagbabalik ng boxing kung saan bumalik na rin umano ang sports sa Estados Unidos. (LP/PNA)