MANILA – Puwede na din ang mga mag-asawang nabibilang sa komunidad ng tinatawag na LGBT (lesbian, gay, bisexual, transgender) ang magka-angkas sa motorsiklo.
"Kung titingnan po natin, binanggit po ng NTF (National Task Force against Covid-19) na ito ay para sa married couple and others na live-in partners so in essence po, kung 'yung ating mga kasamahan sa LGBT ay magkasama sa isang bahay at sila naman po ay live-in partners kasama rin po sila doon," ayon kay Joint Task Force Covid Shield commander, Lt. Gen. Guillermo Eleazar, nung Sabado sa Laging Handa briefing.
Aniya pa, kailangan lang ng mag-asawa na magpakita ng katibayan na sila'y magkasama sa iisang tahanan o magkapareho ng residente.
"This time, we exercise common sense as well as consideration. We talked with (Interior) Secretary Eduardo Año and Undersecretary Jonathan Malaya and they said LGBT couples are included in that provision,” aniya.
Ito'y nang payagan na ng pamahalaan ang motorcycle back-riding gamit lang ang physical barrier para sa mga mga-asawa na nagsimula noong Biyernes (Hulyo 10). (LP/PNA)