Celtics sa  East final; Nuggets puwersado ang Game 6

Celtics sa  East final; Nuggets puwersado ang Game 6

NBA

Celtics sa  East final; Nuggets puwersado ang Game 6

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
Kimaldag a g bawat hibla ng pitong laro,  pero si  Jayson Tatum at Boston Celtics ay dumiretso sa  Eastern Conference finals.
 
At kanilang tinanggalang ng korona ang  NBA champions para sila ang sumampa. 
 
Umiskor si Tatum ng 29 points,  si Jaylen Brown ay may 21 at pamayanian ng Celtics ang Toronto Raptors 92-87 Biyernes ng gabi  Game 7 ng East semifinal series.
 
Bumirada si Marcus Smart ng 16 points at Kemba Walker ay nagdagdag ng 14 para sa third-seeded Boston. Sasagupaib ng Celtics ang fifth-seeded Miami Heat sa East finals.
 
Tumira si Fred VanVleet ng 20 points para sa Toronto, na nakahugot ng  16 mula jay Kyle Lowry, 14 kay Serge Ibaka, 13 kay Pascal Siakam ay 11 kay Norman Powell. Kampanya ng Raptors na maging ikapitong prangkisa sa kasaysayan ng NBA na manalo ng apat na magkakasunod na Game 7′s.
 
May tsansang maitabla ni Powell ang laro sa kanyang drive na kulang sa minuto  na lang ang natitira, ngunit binura ng isang layup ni Smart na may block para mapreserba ang  89-87 lead. Na-fouled out si Lowry sa sumunod na posesyon, ang tawag na pinag argumento ng Raptors pero 'alang nangyari. Parehong mintis ang free throws  ni Grant Williams, ngunit na foul ni Powell si Tatum  para sa  rebound.
 
Naisalta ni Tatum ang isa sa dalawa, ang ungos ay tatlo at lahat ng kailangan na lang ng  Boston ay isa pang pagpigil.
 
Nakuha yun ng  Celtics;  kapos ang 3-point try ni VanVleet at sinelyuhan ni  Kemba Walker ang free throws may 7.9 seconds left, at tuluyang winakasan ang paghahari ng Toronto.
 
NUGGETS 111, CLIPPERS 105
 
Umiskor si Paul Millsap ng 14 sa kanyang  17 points sa third quarter, tumilad si Michael Porter Jr.  ng huling 3-pointer at  nabura ng Denver  15-point, second-half deficit para gulantangin ang  Los Angeles sa Game 5. (LP)