Meralco giniba ang Ginebra, TNT diretso  sa Q'finals

Meralco giniba ang Ginebra, TNT diretso  sa Q'finals

PBA

Meralco giniba ang Ginebra, TNT diretso  sa Q'finals

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
NI Louis Pangilinan
Giniba  ng MERALCO ang unang dalawang leg winner ng PBA 3x3 First Conference Season 3 para akuin ang   top seed sa pagratsada ng Leg 4 nitong Lunes sa Ayala Mall Circuit.
 
Binalikan ng Bolts ang back-to-back leg champion na Barangay Ginebra, 19-15, at tinalo ang nagwaging TNT noong nakaraang linggo, 21-13, para sa 2-0 record sa tuktok ng Pool A.
 
 
Samantala, ang Triple Giga ay naki-jamming sa Bolts sa knockout stage noong Martes bilang no. 2 team sa grupo nito matapos patalsikin ang Kings, 18-17.
 
Ang maagang pag-eksit ng Ginebra ay dumating dalawang linggo matapos ang koponan ang nanguna sa Legs 1 at 2 ng bagong season.
 
Kabaligtaran, ang TNT ay siya ring unit na nagpayalsik sa Ginebra noong isang linggo matapos ang 21-19 win  sa kanilang quarterfinal match up.
 
 
Nakapasok din sa quarterfinals ang Wilcon Depot, San Miguel, at Cavitex.
 
Nagtapos ang  Wilcon na may perpektong 3-0 slate sa Pool B nang talunin nito ang Blackwater (14-13), Northport (18-14), at Pioneer Elastososeal (17-16). (Louis Pangilinan/PBA)