NLEX Road Warriors tinambangan   ang TNT Tropang Giga, 97-84
PBA

NLEX Road Warriors tinambangan   ang TNT Tropang Giga, 97-84

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
Trinabaho ng NLEX ang  higanteng 42-point turnaround, rumatrat mula sa 22 points pababa at kalauna'y tinahi ang  20  bentahe bago tuluyang winasak ang TNT, 97-84, sa PBA On Tour sa Filoil EcoOil Center sa San Juan Miyerkules ng gabi.
 
Malubhang nabugbog sa opening canto, ginalugad  ng Road Warriors ang kanilang kaungusan sa mas hapit na rotasyon para sungggaban  ang Tropang Giga sa huling tatlong yugto para ilista ang  panalo sa pagrehistro ng  .500 sa 5-5.
 
Nahugot  ni Coach Frankie Lim at ng kanyang mga ganados ang panalong rekord sa pagharap sa Barangay Ginebra Kings sa huling laro ng serye ng preseason, na inihandog ng Arena Plus at itinataguyod ng Bingo Plus, Linggo sa Ynares Arena sa Pasig.
 
Habang lalong pumailalim ang  Tropang Giga sa  1-9 kartada nang hindi magawang  makipagsabayan sa Road Warriors sa pamamagitan lamang ng nine-man crew minus ang kanilang core group at maging ang kanilang 3x3 players na sina Almond Vosotros, Ping Exciminiano, Lervin Flores at Gwynn Mendoza ay hindi  nakapiyok.
 
Pinalakas nina Glenn Khobuntin at Carl Bryan Cruz ang Tropang Giga sa isang mabangis na 37-17 sa opening pero hindi nila nasustena dulot  ng  kanilang baldadong  lineup na sina Jayson Castro, Mikee Williams at RR Pogoy.
 
 
Bagama't pokus  pa rin sa 41-45 deficit sa kalahati, umatungal ang Road Warriors sa unahan, 74-68, sa ikatlong yugto at tuluyang rumuta para sa panalo.
 
Umiskor si Anthony Semerad ng 23 puntos, kabilang ang limang three-pointer sa pangunguna sa NLEX assault, kasama sina Clint Dolinguez, Don Trollano, Kevin Alas at Sean Anthony na nagdagdag ng double-digit output.(Louis Pangilinan/ PBA)
 
Iskor:
.
NLEX (97) - Semerad 23, Doliguez 16, Trollano 16, Alas 14, Anthony 11, Nieto 6, Pascual 4, Giussani 3, Paniamogan 2, Adamos 2.
 
TNT (84) - Cruz 26, Khobuntin 24, Tungcab 12, Jopia 6, Marcelo 5, Varilla 3, Reyes 3, Heruela 3, Montalbo 2, Cuntapay 0, Ganuelas-Rosser 0.
 
Quarterscores: 17-37; 41-45; 74-68; 97-84.