FiberXers tinalbos ang  Batang  Pier para sa 6-5 closing card
PBA

FiberXers tinalbos ang  Batang  Pier para sa 6-5 closing card

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
 
Muling natagpuan ng  Converge ang kanilang swabeng pulso, matapos bombahin ang NorthPort ng 21 three-pointers para tuldukan ang 113-84 win para sa 6-5 closing card sa PBA On Tour  Biyernes sa Ynares Sports Arena sa Pasig.
 
Halos pitong Converge gunner ang kumonekta mula sa kabilang arko, kung saan sina Adrian Wong, Matt Nieto at Jeron Teng ay pumukol ng hindi bababa sa apat bawat isa habang tinapos ng FiberXers ang kanilang On Tour stint sa isang nagliliyab na pasada.
 
Sa 6-5, siniguro ni coach Aldin Ayo at ng kanyang mga tropa ang kanilang sarili sa disenteng Top 6 finish sa one-round-robin preseason series na ipinakita ng Arena Plus at itinataguyod ng Bingo Plus.
 
Samantala, nagtapos ang Batang Pier sa lower half ng chart sa 5-6.
 
Si Wong ang nangungunang taga gatilyo ng Converge sa kanilang huling laro na may 7-of-11 clip mula sa three-point zone at nagdagdag ng dalawang charity para matapos na may 23 puntos salig ang limang assist at tatlong rebound.
 
Sina Nieto at Teng ay tumusok din  ng tig apat na tres at nagtapos ng 36-point sa pinagsamang output.
 
Ang iba pang tumabo  mula sa malayong guhit  ay sina Kevin Racal (tatlong tres), at Macjour Luib, Kevin Ebona at Keith Zaldivar na may tig-isa.(Louis Pangilinan/PBA)
 
Converge (113) - Wong 23, Nieto 19, Teng 17, Arana 15, Racal 13, Ambohot 8, Luib 5, Guinto 5, Ebona 5, Zaldivar 3, Stockton 0.
 
Northport (84) - Ayaay 19, Calma 18, Zamar 17, Munzon 9, Santos 9, Salado 5, Comboy 3, Bauzon 3, Sobrevega 0, Yu 0, Balagasay 0.
 
Quarterscores: 24-23, 55-43, 86-66, 113-84.