PH PRIDE: Filipino chess master Lorenzo Aaron Cantela naghari sa Thailand Chess tourney
by Marlon Bernardino
Manila---Nagwagi kamakailan si Lorenzo Aaron Cantela, isang national master sa chess, sa 21st Bangkok Chess Club Challenger 2024 noong Linggo, Abril 21 sa Sheraton Hua Hin Resort & Spa sa Hua Hin, Thailand.
Matagumpay na natapos ni Cantela na pambato ng Cavite at Masbate ang 9-round Swiss System tournament na may pitong panalo, isang tabla at isang talo sa 90 minutes plus 30 seconds increment time control format.